MENU

171,787 KASO NG PAGKAKASAKIT DAHIL SA TRABAHO. Ayon sa survey ng Philippine Statistics Authority, ang kaso ng occupational diseases sa mga kumpanyang may higit sa 20 empleyado ay nagdoble sa 171,787 noong 2013 mula lamang sa 85,438 noong 2011. Nanatiling pinakamarami ang bilang ng kaso ng back pain na 35% (30,374) noong 2011 at 31% (54,244) noong 2013.

Ang iba pang mga pangunahing sakit ay essential hypertension (11.3%) at neck-shoulder pain (10.6). LABSTAT updates vol. 19 No. 19.

Isinasaad ng batas na ang bawat lugar ng pagawaan ay dapat na may sapat na bilang ng safety at occupational health officers upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng bawat manggagawa sa Pilipinas.

Para sa iba pang kaalaman upang maiwasan ang work-related injuries and illnesses, bisitahin ang www.oshc.dole.gov.ph